[Special Report] Cancer: Napupuna sa mahihirap at mayayaman

CRI Online | June 15, 2015

HINDI biro ang magkasakit ng Cancer.” Ito ang pinagkaisahang pananaw at karanasan ng mga panauhin sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Sa pamumuno ni Dr. Mary Clair Soliman, ang vice president ng Philippine Society of Medical Oncologists, Dr. Geneve Rivera Reyes, isang manggagamot mula sa Garchitorena Medicare Community Hospital at Dr.Dario Lapada, Jr., mahirap ang karamdamang ito.

Para kay Engr. Emer Roxas, ang early detecion ay makakatulong sa pagliligtas ng mga pasyente sapagkat masisimulan kaagad ang gamutan. Mahalaga ang panahon sa paggamot ng cancer, dagdag pa ni Engr. Roxas. Gumagamit na ng artificial voice enhancer gadget si G. Roxas matapos tamaan ng cancer sa kanyang lalamunan at naapektuhan ang kanyang vocal chords.

Halos 30 taong nagsigarilyo si Engr. Rojas na namumuno sa kampanya laban sa paninigarilyo. Ipinagpasalamat niya ang pagkakaroon ng bagong buhay matapos manganib sa loob ng isang pagamutan matapos ang operasyong ginawa sa kanyan sa isang government hospital.

Ibinahagi ni Dr. Geneve Rivera Reyes na nagkaroon siya ng isang pasyenteng 72 gulang na walang kamalay-malay na nagtataglay na ng cancer sa dibdib. Ang buong akala ng kanyang pasyente ay karaniwang sugat lamang at uminom ng gamot na antibiotics. Ginawan umano ni Dr. Reyes ng referral para sa Bicol Medical Center sa Naga City subalit wala man lamang pamasahe sapagkat mahirap ang pamilyang pinagmulan sa Garchitorena, Camarines Sur.

Isa sa mga dumalo ang nagsabing gumastos sila ng P300,000 para sa pagpapagamot sa kanyang ina subalit namatay din dahil sa halos Stage 4 na ang kanilang ina.

Si Dr. Dario Lapada ang nagsabing hindi biro ang gastos sa pagpapagamot sa karamdamang cancer. Kung mayroong genetic predisposition ang isang tao, kailangang maging maingat sa pagkain at lifestyle upang makaiwas sa karamdaman.

Ang pinakabatang cancer patient ni Dr. Lapada ay isang 19 na taong gulang na dalaga nagkaroon ng cancer of the breast. Napuna ito noong Stage 1 pa lamang kaya’t nagamot kaagad. Kinikilala ang pasyenteng ito bilang isang cancer survivor.

Binanggit din ni Dr. Soliman na ang kanser ay natatagpuan sa mga obese o lubhang tataba at mga may diabetes. Kailangang mas maramaing gulay at prutas sa kanilang pagkain. Iminumungkahi rin ni Dr. Soliman ang pag-eehersisyo.

source: http://filipino.cri.cn/501/2015/06/15/109s137170.htm